FANDOM


Biograpiya ng AwtorEdit

Si Ana T. Calixto ay isang manunulat na galing sa Bicol. Ngunit wala pa rin talagang nakapagpapatunay ng totoo at tunay na katauhan ni Ana T. Calixto. Naglabas sa Bicol noong Agosto 1950 ng isang pahayagan, ang “Bikolana” at tampok dito ang labinwalong orosipon sa pangalan ni Ana T. Calixto. Nakakuha pa ulit ng mga orosipon sa ilalim ng pangalan ni Calixto sa pahayagang Bicolandia taong 1956. Sa isang gawa ni Calixto, ang Maimon ay may nakasulat sa likod nito na si Calixto raw ay nanirahan ng matagal sa Bacacay, Albay. Ngunit nang tangkaing hanapin ang kanyang rehistro sa bayan na ito ng Albay ay wala silang nakitang bakas ni Calixto. Sinubukan nilang halughugin ang bawat files na maaaring maglaman ng mga personal na impormasyon tungkol sa pagkatao ni Calixto ngunit sila ay nabigo. Hanggang ngayon ay isang misteryo pa rin ang pagkatao ni Ana T. Calixto. Ang isang sagot naman ayon sa aking napagalaman ay dahil daw ang literatura noon na ginawa sa labas ng sentrong politikal ng ating bansa at hindi nakapasa sa mga pamantayan ay hindi naikaklasipika sa pagiging lehitimong “literatura”. Mananatili ito sa anino ng “Tagalog“ dahil ang lahat ng literatura na naisulat noon sa ibang wika maliban sa Tagalog ay hindi nakakasama.


Mga BuodEdit

Kuminalpos An SilaodEdit

Isang napakagandang dalaga ni Beatriz Triumfante at lahat ng kabinataan ay nahuhumaling sa kanya kaya't ganun na lamang ang kabiguan ng mga ito ng kumalat na napa-oo na raw ng mayamang biyudo na si Don Lope ang dalaga. Madaming masasakit ang ikinabit sa pangalan ni Beatriz at labis itong pinagalala ng kanyang matalik na kaibigan na si Luz ngunit sinabi naman nito na may isang binata na walang sinabing masama laban sa kanya, si Polding. Napangiti na lamang si Beatriz at ang nasabi na lamang niya ay humanda ito sa sorpresa niya. Lumipas ang tatlong buwan at nailipat na lahat ng kayamanan ni Don Lope kay Beatriz at inanunsyo na rin and petsa ng kanilang pagiisang dibdib. Nabalitaan din nila na nagbukas ng isang malaking tindahan sa Maynila ang pobreng si Polding at pinagusapan kung paano ito nakakuha ngkapital. Makaraan ang isang linggo ng pag-anunsyo ng kanilang kasal ay halos masiraan ng bait si Don Lope dahil nawala na parang bula si Beatriz. Humingi siya ng tulong sa kaibigang Koronel at sinabi nito na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya. Lumuwas ng Maynila si Luz at naisipang dumaan sa tindahan ni Polding at laking gulat nito ng makita si Beatriz doon. Ngunit mas ikinagulat niya ang rebelasyon ni Beatriz na kasal na sila ni Polding at hindi na babalik sa kanilang probinsya.


Nasingkog (Natapilok)Edit

Tapat ang pagmamahalan nila Loleng at Binong. Ngunit kailangan nilang maglayo dahil pupunta si Binong sa Maynila upang maghanap ng trabaho. Dahil isa siyang CPA ay madali itong nakakuha ng trabaho, sa isang restaurant sa Pasay na ang may-ari ay isang negro. Maayos pa ang takbo ng kanilang relasyo noong mga unang buwan, pinadadalhan niya pa ng regalo si Loleng. Ngunit nagbago ang ihip ng hangin nang mahulog si Binong sa kasama niya sa trabaho, si Lucy. Sa sobrang pagkabulag niya kay Lucy ay ito ang pinakasalan niya at naiwang luhaan si Loleng. Subalit nakatagpo rin naman si Loleng ng isang binata na kahit mahirap ay mahal siyang tapat. Hindi napansin ni Binong na sa ika-2 buwan pa lamang ng pagbubuntis ni Lucy ay malaki na ang tiyan nito. Sa pagdating ng ika-anim na buwan ng pagdadalantao ni Lucy ay nanganak na ito. At laking gulat ni Binong ng ang lumabas na sanggol ay isang negro. Nasiraan ng bait si Binong at wala namang magawa si Loleng dahil siya ay may sarili na ring pamilya.


SuliatEdit

Apat na babae ang anak ni Tiyang Laureana, at ang isa sa kanila, si Cory na siyang bunso ay isang suliat na anak. Mabait si Tiyang Laureana at ang tatlo niyang mga kapatid, bagay na kabaligtaran naman sa ugali ni Cory. Masyadong iba ang ugali ni Cory kung kaya't maraming lihim na galit sa kanya at dahil din dito ay pinatalsik siya sa eskuwelahan noong siya ay Grade 1 pa lamang kung kaya't hindi siya natutong magbasa at magsulat. Sa sentro ng bayan ng Polangue ay mayroong tindahan ang pamilya ni Tiyang Laureana, ngunit kahit kailan ay hindi tumulong si Cory. Nagkakilala si Cory at ang mestisong binata nang dumating ang mga artista sa kanilang lugar at madaling nakapagpalagayang loob. Nagpakasal sila at tumira sa Maynila ngunit natuklasan ni Cory na nagnakaw si Adolfo kaya't ito ay ikinulong at si Cory ay pinatalsik sa kanilang tinutuluyan. Huli na ng siya ay magsisi at dito lamang niya naalala ang mga pangaral sa kanya ng kanyang mahal na ina.


Mga TauhanEdit

Kuminalpos An SilaodEdit

Beatriz Triumfante

Siya ang tinitingalang dalaga at kinikilalang pinakamaganda sa lahat. Matalino siya at isang praktikal na dalaga.

Luz

Ang kaibigang matalik ni Beatriz. Mabait at Maalalahanin.

Don Lope

Ang biyudong mayaman na nahulog ang loob kay Beatriz.

Polding

Ang binatang tunay na minamahal ni Beatriz. Isa siyang manunuat.

Koronel Caros

Ang kaibigan ni Don Lope na hiningan niya ng tulong sa oras na siya ay nangailangan ng suporta.


Nasingkog (Natapilok)Edit

Loleng

Isang mapagmahal na dalaga. Tapat sa kanyang nobyo.

Binong

Isang binatang Certified Public Accountant. Natukso at sinira ang kanyang relasyon sa unang nobya.

Lucy

Kasamahan sa trabaho ni Binong sa Maynila. Siya ang babaeng kinahumalingan ni Binong

Turko

Isang sikat na gerilya sa Bikolandia noong panahon ng pakikidigma sa mga Hapones. Inihambing si Binong sa kanya.

Gurang Loloy

ang nagkukuwento ng tungkol kay Lucy at Binong


SuliatEdit

Tiyang Laureana

Siya ay isang balo at may apat na anak, mapagmahal at mabait na ina sa kanyang mga anak.

Matilde

Ang panganay na anak ni Tiyang Laureana. Maunawain at Pasensyosong ate.

Consolacion

Anak ni Tiyang Laureana.

Veronica

Anak ni Tiyang Laureana.

Cory

Ang bunso sa apat na magkakapatid. Isang barumbado at walang galang sa magulang at mga kapatid. Siya ay hindi marunong magbasa at magsulat.

Adolfo

Ang mestisong binata na nagpatibok ng puso ni Cory.


Mga TemaEdit

Kuminalpos An SilaodEdit

Huwag husgahan ang tao sa kanyang panlabas na anyo

Makikita ito kay Beatriz at sa bulag na pagtingin sa kanya ni Don Lope. Masyadong nahumaling si Don Lope sa kagandahan ni Beatriz kaya't hindi na niya ito pinagdudahan pa sa tunay na intensyon nito nang sinagot siya nito

Pagbabalatkayo

Makikita ito kay Beatriz. Ginamit niya ang kanyang utak at inutakan ni Don Lope dahil sa simula pa lamang ay wala siyang balak pakasalan ito at ang tanging habol lamang niya ay ang mailipat ang lahat ng kayamanan ng matanda sa kanyang pangalan


Nasingkog (Natapilok)Edit

Mabilis na pagbigay sa Temptasyon

Makikita sa kuwentong ito na sinubok ang pagmamahalan nina Loleng at Binong nang magkahiwalay sila panandalian. Ngunit marahil ay hindi ito nakayanan ni Binong kaya't bumigay siya sa temptasyon sa katauhan ni Lucy.

Karma

Makikita rin siguro rito ang kahulugan ng karma. Dahil sa ginawang pagtraydor ni Binong kay Loleng ay nagantihan siya ng panahon.


SuliatEdit

Pagsunod sa mga magulang

Ipinakita sa kuwentong ito na mahalaga talaga ang bawat pangaral ng ating mga magulang dahil sila ang nakakaalam ng mga bagay na ikabubuti natin.

Pagmamahal ng pamilya

Ipinakita rito ang sobrang pagmamahal ni Tiyang Laureana at ng 3 pang kapatid ni Cory sa kanya na sa kabila ng kanyang ugali ay iniintindi na lamang siya ng mga ito






Wikia ni Philip Hidalgo

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.