FANDOM


Ang AwtorEdit

Si Earlwin Tan-Navarro o mas kilala sa tawag na Earl Navarro ay nakapagtapos ng kursong Computer Science sa De La Salle University-Manila (DLSU-Manila) kung saan naging patnugot siya ng Malate, na ngayon ay nagingMalate Literary Folio, na opisyal na literary magazine ng DLSU Si Navarro rin ay kumuha ng kursong Creative Wring sa parehong unibersidad bilang masteral sa edukasyon upang ipagpatuloy ang kanyang pagsusulat.

Isa rin si Navarro sa mga magagaling na manunulat sa Pilipinas tungkol sa mga romansa patula at mga maiikling kwento na ang sentro ay sa homosekswalidad. Kaya naman hindi maikukubling isa si Navarro sa mga paborito ng mga bading sa Cine Cafe na isang gay cultural haven.

Kasama rin si Navarro sa naganap na National Summer Writers Workshop (NSWW) noong 1993 sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan nagtipon-tipon ang mga magaling na mga manunulat sa Pilipinas.


Buod ng mga KuwentoEdit

Ang H.P. at si DannyEdit

Ang kwentong ito ay umiikot sa mag-aaral na si Nigel kasama na ang kanyang kamag-aral na si Tom na parehong miyembro ng Kamalayan, isang literary magazine ng kanilang paaralan. Nagsimula ang takbo ng kwento ng yayain ni Tom si Nigel upang pumunta sa Harizon Plaza (H.P.) upang humanap at makatikim ng konting ligaya sa mundo. Matagal na itong ginagawa ni Tom at si Nigel naman ay baguhan lamang kaya nagdadalawang isip pa ito. Iniwan ni Tom si Nigel at dito niya nakilala si Eric, hindi niya tunay na pangalan, at nagkwentuhan. Nagpakilala si Nigel bilang si Danny dala na siguro sa kaba niya ng makilala si Eric kaya naman hindi niya masyadong pinagtuunan ang kanilang paguusap. Naulit ang pagkikita nila sa H.P. dahil na rin sa pagnanais ni Danny na makita at masubukan ulit ang ginawa niya noong isang araw, hanngang sa si Eric at si Danny ay natuloy sa pagtatalik sa lugar na nirentahan ni Eric malapit sa H.P. Pagkatapos noon ay sinumpa na ni Danny/Nigel na hindi na iyon mauulit, ngunit tila gusto talaga ng kanyang puso ang nangyari at napagdesisyunan nga niyang magiging si Danny ito sa H.P. at hindi bilang si Nigel.

KomunikasyonEdit

Ang kwentong "Komunikasyon" ay napuno nang tila mga pag-uusap na dalawang karakter sa telepono, sulatan at paglalagay ng mga 'notes', at kung anu bang paraan ng komunikasyon. Sinimulan ito sa paguusap ni Weng at ng kanyang ina patungkol sa relasyon ni Weng sa kanyang kamag-aral na si Miguel na parehong bakla. halatang-halata sa ina ang laging pagaalala sa kalagayan at sa kapakanan ng kanyang anak sa kinabukasan. Laging ipinagdarasal ng kanyang magulang na masira ang relasyon ni Weng at ni Miguel upang maging masaya at tama ang mga mangyayari sa kanyang anak. Ngunit ipinaglalaban pa rin ni Weng ang kanyang pagmamahal kay Miguel kahit na minsan ay nag-aaway sila dahil sa pagseselos nito sa dating kasintahan ni Miguel na si Ronnie. Malakas pa rin ang pagmamahal niya kay Ronnie at hindi ito natinag ng pagseselos at ng kanyang ina kahit ang tanging paraan lamang na kanilang komunikasyon ay sa telepono dahil sa layo nila sa isa't isa at sa ayaw ng ina ni Weng. Masasaksihan na ang pag-ibig ay kinakailangan ng magandang komunikasyon upang maging progresibo.

YakapEdit

Sinimulan ang kwento sa pagkakaibigan nina Pen, isang makata at mahilig sa mga gawaing pagsasadula at nakatira sa dormitoryo, at si Noel na mayroong lihim na pagtingin kay Pen ngunit hindi nito masabi sa kadahilanang galit si Pen sa mga bading. Napatindi ang pagkagusto ni Noel kay Pen nangyayain ito na matulog sa kanyang dormitoryo upang magpatulong sa dulang tinatapos ni Pen. Ngunit nang sila ay matutulog na ay hindi mapakali si Noel habang katabi si Pen at niyakap niya ito bigla na umaasang masasabi na niya ang kanyang nararamdaman. Biglang napaalis si Pen sa kwarto at nagusap sila ni Noel sa labas ng dormitoryo. Ang matinding pagkagusto ni Noel kay Pen ay nagsimula sa pabirong ginawa ni Pen na hawakan ang kanyang ari kaya naman ganun na lamang ang pagkadismaya ni Noel sa nalaman niya. Iyon na nga ang una at huling yakap niya kay Pen at hindi na sila nagkausap pa.




Mga TauhanEdit

Ang H.P. at si DannyEdit

§ 'Nigel' - Mag-aaral at miyembro ng Kamalayan, literary magazine ng kanilang paaralan na nakatikim ng isang makamundong kaligayan sa piling ng isang "call boy". Naging alyas Danny sa tuwing pinapasok na ang ganitong pangyayayri.

§Tom - kaibigan ni Nigel at miembro rin ng Kamalayan. Siya ang nagdala kay Nigel sa H.P. (Harizon Plaza) at naging dahilan kung bakit nahumaling si Nigel sa ganitong gawain.

§Eric - isa sa mga laging pumupunta upang ma-"pick-up" ng kung sunumang nangangailangan ng konting kaligayahan. Naging kostumer niya si Danny sa H.P. at ang kanyang tunay na pangalan ay Tony.




KomunikasyonEdit

§ Weng - pangunahing karakter sa kwento na katatapos lamang ng pag-aaral sa kolehiyo at hinihintay na lamang ang graduation at mayroong matinding pagmamahal sa kanyang kasintahan na si Miguel. Ngunit hindi ito naging madali dahil sa pagtututol ngg kanyang ina sa gusto ng kanyang damdamin at pilit itong binabago

§ Mommy - ina ni Weng na isa sa mga matinding nakaalitan niya sa dahilan ng kanyang pagkatao at pagalala sa kalagayan ng kanyang anak sa darating na panahon. marami rin itong koneksyon sa mga kaibigan ni Weng at mahilig usisain ang mga pangyayari sa buhay ng kanyang anak

§ Miguel - ang kasintahan ng pangunahing tauhan kung saan malaki ang binibigay na importansya nito sa kanya. Nakaalitan niya rin ang kanyang kasintahan dahil sa pagseselos ni Weng sa dating napupusuun ni Miguel na si Ronnie.

§ Fay - kaibigan ni Weng na naging kausap niya matapos niyang akalain na ayos na sila ng kanyang ina. nagkwento rin kay Weng tungkol sa pang-uusisa ng ina nito sa tunay na kalagayan ng kanyang kaibigan at ng relasyong namamagitan sa kanila ni Miguel

§ Milo - kaibigan ni Weng kung saan naibuhos ni Weng ang kanyang mga nararamdaman at sakit ng loob sa telopono. Ipinarinig rin sa kanya ang mga tulang ginawa ni Weng na sumisimbolo sa kanyang damdamin.




YakapEdit

§ Pen - isa sa mga mag-aaral sa kanilang paaralan na magaling tumula at nakatanggap na ng mga papuri at pagkapanalo sa kwento. Siya rin ang napupusuan ng kanyang kamag-aral na si Noel na isang bading.

§ Noel - mayroong matinding pagnanais kay Pen na isa niyang kamag-aral at kaibigan. Mahilig niyang pagpantasyahan si Pen ngunit nabigo lamang ng aminin niyang bading siya at mayroon siyang gusto rito sapagkat ayaw ni Pen ng mga bading.




Mga TemaEdit

Ang H.P. at si DannyEdit

Binubuo ang kwentong ito ng mga tema at paksa kung saan makikita natin ito kung susuriin ng mabuti. taulad na lamang ng mga ito:

1. karaniwang katangian ng mga homosexuals - makikita sa karakter ni Tom na isa siyang hindi palaimik na mag-aaral maliban na lamang sa kanyang mga kauri o kaparehong bading tulad na nga ni nigel. Masasabing hindi lahat ng mga bading ay bokal o kaya'y ipagmalaki kundi karamihan sa mga ito'y nahihiya at takot sa mga maaring mangyari sakanila kapag naglantad sila.

2. prostitusyon - dito umiikot ang kwento at ito ang nagsasabi sa pangkalahatan ng kwento - ang pagbebenta ng laban upang makatikim ng panandaliang aliw o 'di kaya'y upang pagkakitaan. Ang ganitong gawain ay hindi lamang gabi bagkus ay maari sa hapon ayon sa kwento.

3. pagtingin sa estado sa buhay - ipinapakita sa kwento rito na hindi lahat dito sa Pilipinas ay iisa lamang ang antas lalo na sa unibersidad na pinag-aaralan. Masasabing nag-aaral ka nga sa isang prestihiyoso at mamahaling paaralan ngunit hindi ibig sabihin ay mayaman ka na, marahil ay maraming paraan ang nakatulong upang sa ganoong paaralan ka nakapag-aral.

4. pagkasira ng isipan sa murang edad - ayon sa kwento, karamihan sa mga nasa H.P. kung saan nagaganap ang bentahan ng laman ay mga mag-aaral na naka-uniporme pa. Hindi lamang sa pagpasok sa makamundong kaligayahan ang ginagawa ng mga estudyante kundi pati na rin ang hindi pagpasok sa kanilang paaralan.




KomunikasyonEdit

Makikitaan sa kwento ang iba'i ibang aspeto ng pag-ibig sa buhay at ang mga katotohanan sa mundo. Ilan sa mga paksa at temang napansin ay ang mga:

1. Pagmamahal ng magulang sa anak - ipinakita riot ang matinding pagmamahal ng ina ni Weng sakanya at ang pagalala niya sa kanyang anak sa pagpasok sa ganitong sitwasyon ng relasyon. Mapapansin din natin dito ang lubos na pagpapayo nito sa kanyang anak at hindi natin makikitaan ng bahid na ayaw niyang mapariwa ang kanyang anak kinalaunan.

2. Pagmamahal sa nobyo/nobya - masasabing walang nararapat na basihan ng pagmamahal na dapat lalaki at babae lamang ang gumawa ng ganun. Ipinapahiwatig din ng kwentong ito na ang pag-ibig ay walang pinipiling taao, kapag natamaan ka nito ay dapt na ipaglaban mo ito ng tama.

3. Pagseselos - isa na rin ito sa mga kadalasang dahilan ng pagseselos ngunit dito sa kwento sabay nilang nina Weng at Miguel labanan ang ganitong suliranin upang kung sa gayon ay maging produktibo ang kanilang pagsasama.

4. Pagkakaibigan - hindi nga maikukubli ang nabuong pagkakaibigan nina Weng, Fay, at Milo na maging ang kani-kanilang buhay ay kanilang inaalam at tinutulungan upang maging maayos. Pinakita rin ang kahalagahan ng mga kaibigan sa gitna ng mga problema at unos sa buhay.

5. Komunikasyon bilang napakahalagang bagay ng isang relasyon - binigyang importansya ng kwentong kwento na isa sa mahalagang aspeto sa buhay ang komunikasyon upang magkaroon ng magandang samahan sa relasyon sa pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay. Isaisip sana natin na ang pagkakaroon ng komunikasyon ay napakahalaga sa buhhay.




YakapEdit

Kung susuriing mabuti ang kwento makikita natin ang tema at paksa na nais iparating sa atin ng may akda ay ang mga sumusunod:

1. Pagpupursigi sa pag-aaral - makikita natin sa pagkakalarawan kay Pen na lagi itong pagod at puyat dahil sa mga kinakailangang gawain at dapat tapusin sa klase. Kadalasan sa mga ito ang mga dulang pinagpupuyatan niya at ipinaggugulan niya ng panahon kaya naman hindi na nakakapagtaka ang mga tropeyong natanggap niya.

2. Matutong alamin kung ano ang biro sa hindi - marapat lamang na huwag agad tayong maghusga kung anu ba talaga nag nais iparating sa ating ng biro o kalokohan na ginawa sa atin. Isipin na hindi dapat nagpapadala lamang sa kung anu yung iniisaip natin kundi pati na rin sa kung anu ang iniisip ng iba.

3. Maging sensitibo sa ating mga ginagawa, huwag hayaan na puro damdamin lamang - malinaw na isinasabi na kinakailangang gamitin din natin ang ating isipan upang malaman ang ating mga ginagawa sa ating kapwa. isaalang-alang dapat nating kung anu ang epekto nito sa ibang taong ginawan natin ng isang bagay.




Wikia ni Neil Namoro

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.