FANDOM



Tala kay Genoveva Edroza-MatuteEdit

Si Genoveva Edroza-Matute ay lumaki sa Sta. Cruz, Maynila. Siya ay nagtapos sa mga paaralang lungsod. Sa paglaki niya habang kalong ng mga paaralang ito'y nakita niya kung papaano mas naging mahigpit ang mga gurong Pilipino kaysa sa mga gurong Amerikano sa pagpaparusa sa mga batang nakapagsasalita sa sariling wika sa loob ng paaralan

Siya ay nagtapos sa Pamantasan ng Santo Tomas (UST). Naging guro siya sa loob ng 46 taon hanggang sa siya mag-retiro bilang pinuno ng Departamento ng Pilipino sa Philippine Normal University.

Malawak ang naging karanasan niya sa kanyang pag-aaral, pagtuturo at pagsusulat. Pangkaraniwan niyang paksa ang buhay ng isang babae at ang mga bagay na tumitimo sa kalooban nito. Tagataguyod rin siya pagpapaunlad ng wikang pambansa.

BuodEdit

Babae, Lansangan at TakipsilimEdit

Naglalakad noon ang babae sa gitna ng lansangan ng binasa ng kararaan pa lamang na ulan. Maputik ang kalsada. Nagmamadil ang lahat-- sasakyan, tao, oras-- maliban sa kanya. nakatayo lamang siya roon na tila nasa kawalan.

Bumalik na sa ulirat ang babae. Ngayo'y napansin niya ang sapatos niyang nabahiran na ng putik na kanina lamang ay malinis. Napansin niya rin ang pagsikip ng kaniyang sinturon nitong mga nakaraang buwan nang paraanin niya ang kaniyang daliri sa ilalim nito.

Habang naglalakad ay patuloy na tumatakbo sa kaniyang isip ang pagkabigong idudulot sa kanya kung ipagpapatuloy niya ang ang kaniyang idinadala. Ginagatungan pa ng kanta ni Cita ang kaniyang iniisip, "Kay-dali lang niyan! Wag mo lamang patagalin pa..."

Nakarating na siya sa address na nakasulat sa papel ng nagrekomenda sa kaniya. Pagkawala ng pag-asa ang nag-hatid sa kaniya roon. Naghintay siya sa kaniyang numero. Nakita niyang lumabas ang babaeng tila inalisan ng rason upang magpatuloy sa buhay

Bago pa man bumukas uli ang pintuan ng klinika'y naging bahagi na ulit ng lansangan ang babae. Mabilis niyang tinahak ang liwasang puno ng anino, pagkarating sa harap ng dambana'y nakita niya ang isang aandap-andap na liwanag mula rito. Tumama ang liwanag sa namumuo niyang luha. Napaluhod siya't sa gawing itaas ng naninikip na sinturo'y masiglang pumipintig ang isang buhay.

Bumalik na sa ulirat ang babae. Ngayo'y napansin niya ang sapatos niyang nabahiran na ng putik na kanina lamang ay malinis. Napansin niya rin ang pagsikip ng kaniyang sinturon nitong mga nakaraang buwan nang paraanin niya ang kaniyang daliri sa ilalim nito.

Habang naglalakad ay patuloy na tumatakbo sa kaniyang isip ang pagkabigong idudulot sa kanya kung ipagpapatuloy niya ang ang kaniyang idinadala. Ginagatungan pa ng kanta ni Cita ang kaniyang iniisip, "Kay-dali lang niyan! Wag mo lamang patagalin pa..."

Nakarating na siya sa address na nakasulat sa papel ng nagrekomenda sa kaniya. Pagkawala ng pag-asa ang nag-hatid sa kaniya roon. Naghintay siya sa kaniyang numero. Nakita niyang lumabas ang babaeng tila inalisan ng rason upang magpatuloy sa buhay

Bago pa man bumukas uli ang pintuan ng klinika'y naging bahagi na ulit ng lansangan ang babae. Mabilis niyang tinahak ang liwasang puno ng anino, pagkarating sa harap ng dambana'y nakita niya ang isang aandap-andap na liwanag mula rito. Tumama ang liwanag sa namumuo niyang luha. Napaluhod siya't sa gawing itaas ng naninikip na sinturo'y masiglang pumipintig ang isang buhay.


PagbabagoEdit

lang araw nang tila binibiyak ang ulo ni Itang ng sakit na kaniyang nararamdaman sa tuwing makaririnig ng ingay. Ilang buwan na rin siyang tila hinihigupan ng laka sa tuwing siya'y gagalaw. Dinagdagan pa ng nararamdaman niya ang perwisyong hatid sa kanya ng ingay ng mga bata sa looban nila. Lagi niyang sinusungitan ang mga ito

Nakikitira na lamang siya sa kaniyang kapatid na si Edong kasama ang asawa nitong si Feli buhat ng tumigil na ito sa pagtatrabaho.

Matandang dalaga si Itang, pinabilis ng kaniyang responsibilidad sa pag-papaaral sa kapitid upang maging mestro ang panahon para kay Itang. Masyadong bumilis na hindi niya namalayang 50 na siya't tila may uka pa rin ang sariling katuparan.

Laging pinamumukha sa kaniya ni Feli ang pagiging pabigat nito dahil nga siya'y mahina na. Simula noo'y ayaw na niyang dumaing sa kapatid niyang si Edong sa tuwing may mararamdaman siya. Mag mula noo'y nakapagtatakang hinahanap hanap na niya ang ingay ng mga batang naglalaro. Nagsilbi niya itong pamatay sakit.

Minsa'y pinagbantay siya ni Ling, kanilang kapit-bahay, ng anak nito. Noong una'y hindi niya hinahawakan ang bata. Ni makanti ito'y kanyang iniingatang mangyari. Ang karanasan para sa ganitong bagay ay hindi para sa kaniya. Ngunit nang umiyak ang bata'y napilitan siyang kargahin ito kahit siya'y natatakot. Kinirot at kinagat siya ng bata. Imbes na magsungit ay tila nasiyahan pa ito, tila nahanap na nito ang kaniyang katuparan. Biglang nanghina si Itang at bumagsak, kalong pa rin nito ang batang nakaunan at mahimbing ang tulog sa tuyong dibdib ni Itang, nakapinta rin sa mukha ni Itang ang matagal ng hindi mamamataan dito--ang ngiti.


Kwento ni MabutiEdit

Uminog ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukwento mula sa punto de vista ng isa sa knayang mga estudyante.

Tinatawag siyang Mabuti ng kaniyang mga estudyante sa kanyang likod dahil lahat ng kaniyang mga salita ay naglalaman ng mga kabutihan. Bukod roo'y binudburan rin ng salitang 'mabuti' ang mga sinasabi niya.

Isang hapo'y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-aklatan, nakita siya ni Mabuti at inalo ito. Sinabi ni Mabuting hindi niya alam na may tao roo't ang pagpunta niya roo'y hindi rin nagkataon lamang. Pumupunta rin si Mabuti sa sulok ng sild aklata na iyon upang umiyan rin.

Kung anong kadahilana'y hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya sa kanyang estudyante kahit na napaka babaw lamang ng iniiyak nito.

Simula ng engkwentrong iyon ay mas naging bukas na si mabuti sa pagkekwento ng kaniyang buhay, liban ng tungkol sa kaniyang asawa. Iniikutan ng kaniyang mga pangarap ng kabutihan ang kaniyang anak, halata sa mga kwento niyang patungkol dito na ang anak niyang ito ang kaniyang buhay.

wala pang isang taon mula ng siya'y mabiyuda. Sa kabila ng bigat na kaniyang dinadala ay patuloy pa rin ang kaniyang positibismo. Ang kanyang katatagan ay patuloy ang pagningas kahit nilulunod na siya ng kalungkutan.


TauhanEdit

Babae, Lansangan at TakipsilimEdit

  • Babae- Buntis siya at nagdadalawang isip kung itutuloy ba niya ang kaniyang dinadala o ilalaglag na lamng ito upang ituloy ang marami pa niyang pangarap.
  • Cita- Singer na naririnig ng babae sa kaniyang isipan noong iniisip nito kung itutuloy ba o ilalaglag ang bata. Suhestibo ang kanta ni Cita na ipalaglag ang bata.


PagbabagoEdit

  • Itang- Dalagang nasa 50 taong gulang na. Mainitin ang ulo at mabilis ng manghina.
  • Edong- Kapatid ni Itang. Tiklop sa kanyang asawa sa tuwing kinagagalitan nito ang kanyang kapatid.
  • Feli- Asawa ni Edong. Nagtatrabaho. Walang pangunawa sa kalagayan ng hipag na si Itang
  • Ling- Kapit-bahay nilang magpapabantay ng anak kay Itang.


Kwento ni MabutiEdit

  • 'Mabuti'- Guro. May positibong pananaw sa buhay. Mayroong malalaking pangarap para sa kaisa-isang anak.
  • Fe- Estudyante ni Mabuti. Minsang niyang naengkwentro si Mabuti ng umiiyak siya sa silid-aklatan. Musmos na natuto ng pagtanggap sa kalungkutan mula kay mabuti.


Tema at PaksaEdit

Babae, Lansangan at TakipsilimEdit

  • "Mga pagsubok lamang 'yan wag mong itigil ang laban."

Ipinararating ng kwento na kailangan nating ipagpatuloy at ipaglaban ang sa kung ano para sa atin ang tama at nararapat. Sa kweto'y makikitang kahit may pagaalinlangan ang babae sa kung ipagpapatuloy pa ba niya ang kaniyang dinadalang bata ay 'di pa rin niya binitiwan ang kaniyang paniniwala sa kung ano ang tama. Kumatig siya sa tam kahit na tila ilaw na lamang mula sa umaandap-andap na kandila ang kaniyang pagasa.

  • Women Empowerment

Sa kwento'y babaeng nawawalan na ng pag-asa ang sentrong paksa. Sa huli'y napagtagumpayan niyang gawin ang sa kung ano para sa kanyan ang mas tama. Ipinagpatuloy niya ang pagdadala sa bata. Malinaw na mensahe ito para sa ibang kababaihan na ipaglaban nila ang kung ano sa paniniwala nila ang tama.

  • Aborsyon

Malinaw na ipinaparating ng maikling kwento ang tindig nito ukol sa paksang ito. May tunggalianng panloob na nagyari rito, matinding tunggaliang panloob. Hindi na inilagay bilang sentrong argumento ang sa aspektong pangkalusugan ng idudulot ng aborsyon, marahil nga'y hindi na kailangan ng maraming salita kapag buhay ang nakasalalay.


PagbabagoEdit

  • Ang katawan ay tumatanda, huwag hayaang ang puso rito'y gumaya

Likas sa atin bilang mga mortal na tumanda at mamatay. Parte ng siklo ang pisikal nating paghina. Ngunit bilang mga nilalang na may damdamin tayo'y hindi lamang sumusunod sa balangkas na ito. Tayo ay may kapangyarihan hindi upang pigilan ito ngunit upang katasin ang pinaka importante mula sa natitira pa nating lakas. Naging matandang dalaga man si Itang ay patuloy pa rin siyang naging bukas sa pagtanggap sa mga kawalang nagpalungkot sa kanya, sa hagikgikan ng mga bata sa kalye at sanggol na hindi siya nagkaroon.

  • Menopause

Pagtanda ang sentrong paksa ngunit mas tuon ito para sa mga kababaihan lalo na sa mga inabutan ng yugtong ito sa kanilang buhay ng wala silang pamilyang nabuo. Mahirap ang tumanda lalo na ang tumandang walang kasamang pamilya para sa babae.

  • Pagaasawa

Hindi lamang ito makikita sa sitwasyon ni Itang dahil nga wala siyang asawa. Kapansinpansin ang pagtiklop ni Edong, kapatid ni Itang sa tuwing kinagagalitan ng asawa nito si Itang. Malaking isyu ito lalo na para sa mga kalalakihang pamilyado rito sa Pilipinas, sila iyong mga tinatawag na Ander-de-Saya.


Kwento ni MabutiEdit

  • Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang nakakikilala sa lihim na kaligayahan

Sa kabila ng dinadala ni Mabuti ay patuloy pa rin niyang inuusad ang kaniyang buhay. Hindi niya ipinapakita sa iba ang kaniyang pinagdaraanan pagkat alam niyang siya lamang ang pinaka-makatututlong sa sarili niya. At dahil nga sa ganitong paghawak niya sa kaniyang sitwayson ay masasabing namulat rin siya sa mga lihim na kaligayahan. Alam niyang mayroon pa rin siyang dapat ipaglaban sa buhay na ito--ang kanyang anak.

  • Katapatan sa Asawa

Bagaman hindi pa tapos ang istorya ng buhay ni mabuti'y masasabi kong matapat siya sa kanyang asawa kahit na wala na ito. Magandang mensahe ito pagka't marami ng mga biyudo at balo sa ating panahon na napababayaan na ang kanilang mga anak dahil sa pagiging mas okupado sa paghahanap ng bagong kasama sa buhay.

  • Single Parenthood & Women Empowerment

Karugtong ng una kong nabanggit, ang kwento'y humipo rin sa paksang ito. Mahirap na maging magulang, lalo na ang maging magulang ng nag-iisa. Humuhikayat rin ito sa mga kababaihan na ipagpatuloy ang kanila laban sa buhay kahit na ito'y sobrang bigat na para pasanin.






Wikia ni James Louie Chavez

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.