FANDOM



TalambuhayEdit

Batay sa kanyang account sa facebook at blogspot, si Louie Cano ay nabuhay noong Marso 1, 1940. Marami siyang mga natanggap na papuri sa iba niyang mga akdang libro tulad ng Brusko Pink King Kong Barbies & Other Queer Files, MasculadoII: Mga Sanaysay ng Buhay Bading na di Buking, Baklese dos: Pinoy Pop Queer Dictionary at Pamhinta X. Bagama't bading, siya ay may anak na babae na kasalukuyang labing-isang taong gulang. Mahilig siya sa fashion at kadalasang mga fitted na t-shirt at pantalon. Sa unang tingin ay hindi mo aakalaing bakla si Louie Cano dahil sa mga muscles nitong malalaki at kagandahang lalaki nito.


Mga BuodEdit

MinsanEdit

Si Louie ay palihim na may pagnanasa kay Eduardo na kanyang kaklase at kaibigan simula haiskul. Naging kasintahan ni Eduardo si Len na matalik na kaibigan ni Trish, ang kasintahan ni Louie. Mataas ang mga requirements ni Louie pagdating sa pagpili ng mga kababaihan, ilan dito ay: mas maganda sa kanya ng kaunti, mahaba ang buhok, mapupungay ang mga mata ang kung anu-ano pa. Isang araw nagkakwentuhan si Eduardo at si Len sa klase ni Mrs. Santos tungkol kay Eduardo na nagpapahiwatig ng kawalan ng interes nito sa kanya dahil hindi pa siya nito nahahalikan sa loob ng pitong buwan na pagsasama. Napilitang sagutin ni Louie si Trish dahil sa mga kumakalat ng mga balita galing kila Ruby, Bianca at Cynthia na siya ay bakla. Para matigil ang mga tsismis bago pa man ito sumabog ay sinagot na niya ang matagal na nanliligaw na si Trish kahit ang tunay niyang mahal ay si Eduardo.


KepsEdit

Allergic si Louie sa keps, o sa female reproductive organ. Inilalarawan niya ito hindi bilang bulaklak o bibingka katulad ng ibang mga makata ngunit isang maliit na pitaka na maaaring lagyan ng mga barya at isang maliit na notebook na nadadagdagan ang mga pahina sa pagtanda. Hindi niya malaman kung bakit hirap siyang sabihin ang salitang ito, at scientific lamang ang tingin niya rito.

Naexperience niya ito sa katauhan ni Mishka, isang "cougar" na nakilala niya sa isang teen forum na pinangunahan nito. Bilang bata pa at wala nalilito pa sa kanyang kasarian, pinatulan niya ang mas matanda sa kanya ng sampung taon na professor niya. Si Mishka ay parating pinagpapatansyahan ng mga kalalakihan kaya naman ganun na lamang tumaas ang ego ni Louie nang makuha niya ito bilang "cover girl" o panakip butas sa kanyang pagkabakla.

Madalas silang nagpupunta sa auditorium para gumawa ng milagro. Ngunit isang araw, nang makita ni Louie ang keps ni Mishka at nang pilit na pinapatikim ito sa kanya, natauhan siya na ayaw niya talaga ng keps o bibingka at magkasala.


ChicletEdit

`Inaya ni Eddie Badiday si Louie para magpunta sa malate isang gabi. Detelyado niyang inilalarawan ang mga damit na kanyang susuotin at mga brands nito, Nang sunduin siya ni "Bad Gurl" o si Eddie Badiday na gamit ang pick-up truck nito, pinuna niya ang makapal na pulbo nito sa mukha at matapos ayusin ang itsura, tumuloy na sila sa Malate.

Hindi sila nahirapan sa paghahanap ng parking at sa pagpasok sa Bed Bar (isang gay bar) dahil parehas silang VIP doon. Noong una ay bored na bored si Louie sa gay bar dahil wala naman siyang matipuhang iba. Hinanap niya ang nawawalang kaibigan na nakita niya sa CR na binobosohan ang isang matandang bakla na maliit lamang daw ang ari. Paalis na sana sila ng makita niya ang isang lalaki na may mapupulang labi tulad ng chiclet. Hindi siya nag-atubili at niyaya ito sa pick-up truck ng kaibigan para paligayahin.


Mga TauhanEdit

MinsanEdit

Si Louie ang nagsasabi ng kanyang buhay at nagkukubli ng kanyang nararamdaman para kay Eduardo na siya namang kasintahan ni Len na best friend ni Trish. Isang araw ay pinagtsismisan si Louie nina Ruby, Bianca atCynthia na siya ay bading kaya sinagot na si Trish at naging girlpren ito.


KepsEdit

Si Louie na hindi lamang estudyante ni Mishka kundi naging kalaguyo rin nito. Si Mishka na matanda sa kanya ng sampung taon at may asawa ngunit pantasya ng maraming mga kalalakihan dahil sa malalaki nitong boobs at magandang hubog ng pangagatawan


ChicletEdit

Si Louie at ang kanyang baklang kaibigan na inglisera na galing sa Samar. Parehas silang maskulado ngunit hindi halatang bakla hanggang sa nagpunta sila sa isang bar sa Malate at nakilala ang isang lalaking may chiclet sa pula na mga labi.


Mga Paksa at TemaEdit

MinsanEdit

Ang maikling kwentong ito na tila isang artikulo sa diary ay may paksa na tumatalakay sa pagiging bading. Si Louie, ang bida at narrator ay matagal na palang may nararamdaman para kay Eduardo ngunit hindi niya ito maipahiwatig dahil masisira ang nabuo niyang imahe sa publiko. Dito na pumapasok ang diskriminasyon ng lipunan sa mga bading at hindi katanggap-tanggap na pakikipagrelasyon sa same sex.

Dahil na nga rin sa mga tsismis na maaaring kumalat na posibleng makasira ng reputasyon ni Louie, napilitan siyang pumasok sa isang relasyon na hindi naman niya gusto. Makikita na mahilig magtsismisan ang mga Pilipino tungkol sa kapwa nila. Maaaring ito ay totoo o sabi-sabi lamang ngunit nakakasira pa rin ng reputasyon ng tao. Na-pressure si Louie sa maaaring mangyari kaya't pinatulan niya ang ka-uri niyang babae.


KepsEdit

Eksperimentasyon ng mga kabataan ang isa sa mga pangunahing naging paksa ng kwento. Dahil hindi pa tiyak ni Louie ang kanyang sekswal na oryentasyon ay pinatulan niya ang kanyang guro na may agwat na sampung taon sa kanya. Naging boost din sa kanyang ego ang nangyari dahil kadalasang pantasya si Mishka ng mga kalalakihan. Pumapasok dito ang usapin ng sukatan ng pagkalalaki sa kaanyuan ng mga babaeng nagiging karelasyon nito.

Isa ring tema ay ang adultery o ang pagtataksil ni Mishka sa kanyang asawa. Napapaloob din sa usaping ito ang hindi pagka-satisfy ni Mishka sa sekswal na buhay nilang mag-asawa kung kaya't pumatol pa ito kay Louie. Bukod sa adultery, nagkaroon din sila ng paglabag sa relasyon ng guro at kanyang estudyante. Tinuruan ni Mishka si Louie ng mga sekswal na gawain.


ChicletEdit

Isang tema ay ang pagiging homosekswal at mga paggawa ng mga homosekswal na gawain tulad na lamang ng pagpapaligaya ni Louie sa lalaking nakita sa Bed Bar at ang paninilip ni Eddie Badiday sa isang lalaki sa CR. Makikita na walang pag-aalintanang inalok ni Louie ang lalaking hindi naman niya kakilala sa pick-up truck ng kaibigan.

Makikita din ang hindi pantay na estado ng mga bakla sa lipunan. Ang magkaibigang bakla ay VIP sa lugar kung kaya't hindi ito nahirapang humanap ng parking at pumila sa mahabang pila ng mga bading. Hanggang sa mga bading na kadalasang nililibak ng lipunan ay matatagpuan pa rin ang hierarchy.






Wikia ni Victoria Tiangco

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.