FANDOM


Ang AwtorEdit

Ipinanganak si Marcel Navarra sa Tuyom, isang baryo sa Karkar sa Timog Sebu noong Hunyo 2, 1914. Doon siya lumaki at doon din siya yumao noong Marso 28, 1984. Sa tatlong dekada ng kanyang pagsusulat, malaki ang naging epekto ng kanyang mga maiikling kuwento sa publikasyong Sebuwano. Bukod dito, halos buong buhay niya ang inilaan sa pagsisilbi sa patnugutan ng iba’t-ibang magasin: bilang patnugot pampanitikan ng Bisaya mula 1938 hanggang 1941, at ng Lamdag(Ilaw) noong 1947; bilang katulong na patnugot ng Bulak, isang magasing pampanitikan ng pahayagang Republic Daily mula1948 hanggang 1952; bilang patnugot ng Bag-ong Suga (Bagong Ilaw) mula 1963 hanggang 1967, at ngBisaya mula 1967 hanggang 1972.

Nagsimulang magsulat si Navarra noong 1930. Sa panahong ito, malakas pa rin ang diwa ng nasyonalismo na siyang nagbunsod kay Vicente Sotto na magpalimbag noong 1901 ng Ang Suga (Ang Ilaw), ang kauna-unahang pahayagang Sebuwano na naging unang behikulo ng mga kaisipang makabayan ng unang henerasyon ng mga manunulat sa kanilang mga dagli at salaysay.

Si Marcel Navarra ay produkto ng amerikanong edukasyon bagama’t second year high school lamang ang kanyang tinapos, ang mga sanaysay ni Jose Garcia Villa tungkol sa sining at ang mga taunang pamimili nito ng pinakamahusay na mga maikling kuwento sa Ingles ang ang nagbunsod sa batang manunulat na maging higit na kritikal sa mga kuwentong nalalathala sa mga pahayagang Sebuwano at magpunyagi sa pagsusulat ng mga kuwentong higit na epektibo at may kaisahan. Sa kabilang dako, ang kanyang pagbabasa ng mga kuwento ni Manuel Arguilla tungkol sa buhay ng magbubukid sa Nagredcan at ng mga akda ni O. Henry, Guy de Maupassant, Theodore Dreiser, Sinclair Lewis, Ernest Heminay, at iba pa ang siya namang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang tuklasin ang kalawakan ng karanasan ng tao at linangin ang yaman ng buhay sa baryo para sa kanyang mga kuwento.

Nagkaroon ng maraming suliranin sa mga produksiyon ng mga kuwento at mga akda. Lalo pang lumala ang sitwasyon sa mga huling taon ng dekada sesenta. Naranasan ni Marcel Navarra nang siya’y naging patnugot ng magasin na kailangan pang aprobahan ang mga kuwentong Sebuwano ng patnugutang Liwayway, na ang pagpapasiya ng mga kuwento ay batay sa pagbabasa ng buod at hindi ng kabuuan. Bunga ng ganitong pamamalakad, maraming mahuhusay na akda ang di nalathala sa magasin.

Binansagan din si Marcel Navarra na “Hemingway na Binisaya" ng iba pang manunulat sa Sebu. Kinilala siyang pangunahing tagapagtaguyod ng modernismo at realismo sa panitikang Sebuwano na nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling kuwento. Lubhang naging kapuri-puri ang makatotohanang paglalarawan niya ng iba’t-ibang aspekto ng buhay sa baryo.

Sa panahong nag-aaral pa lamang siyang magsulat at hindi pa nananalo ng timpalak pampanitikan ng Bisaya, sumusulat na si Navarra ng mga maikling kuwentong nagpakita ng kaisahan sa estilo at mahusay na pagkabalangkas ng mga tauhan. Gayumpaman, pagkatapos magwagi ang kwentong “Ug Gianod Ako . . .” sa timpalak, lalo siyang nagtagumpay bilang manunulat na gumagamit ng realismo sa pmamagitan ng kanyang mga maikling na nagsuri sa isang-kahig-isang-tuka na kalagayan ng mga nanirahan sa mahihirap na nayong tulad ng Tuyom. Ang kanyang matalas na mata’t matalas na pandama ang siyang nakapaggagap sa kanya ng uri ng pamumuhay at pag-iisip ng mga karaniwang taumbayan.

Ang panulat ni Navarra ay hinubog din ng mga pangyayari sa kanyang buhay. Nagtrabaho siya sa Maynila bilang isa sa mga editor ng Bisaya bago magdigmaan. Dahil naging abala siya sa pagsusulat, naging hiwalay siya sa daluyan ng mga ideyang panlipunan at mga pangyayaring pulitikal na siyang bumulabog sa daigdig ng mga Tagalog. Sa panahon ng digmaan, bumalik siya sa Tuyom at doon ay nag-asawa ng isang taga-Zamboanga na si Naty Daan. Ang pagsasama nila ay nagbunga ng siyam na anak: sina Louela, Juanita Cipriano, Victor, Enrique, Exaltacion, Carmen, Sarah at Ramon.

Pagkatapos ng digmaan, napilitang harapin ni Navarra ang suliranin ng paghahanap ng ipapakain sa kanyang lumalaking pamilya. Kinailangan niyang gamitin ang anumang mayroon siya sa isang waring nanunuyot na pook.

Natagpuan niya ang sariling nakagapos sa mga kalagayang kanyang inilalarawan sa kanyang mga kuwento. Dahil ang alam niyang hanapbuhay ay ang pagsusulat, napilitan siyang lumuwas sa lungsod ng Sebu noong 1948 upang magsilbing editor sa magasing Bulak at pahayagang Republic Daily na pag-aari ni Don Mariano Cuenco. Ngunit walang seguridad ang trabaho sa pahayagan. Sa pag-asang makaipon ng sapat upang makabili ng lupain sa Mindanaw, inilipat ni Navarra ang kanyang pamilya sa Pagadian, Zamboanga, noong 1952 at nagtrabaho doon bilang billing clerk sa Cebu Portland Cement. Ngunit wala ring nangyari sa maliit na suweldong tinanggap niya. Dahil sa malungkot at di mabuting kapalarang dumapo sa kanya sa lungsod at ibayong pook, ninais na lamang niyang bumalik sa Tuyom. Napagtanto niyang walang mapagpipilian ang mahihirap, gustuhin man nilang umunlad ang kanilang buhay.

Sa pagsusumikap niyang hanapan ng kalutasan ang mga materyal na suliranin sa buhay, bumaling si Navarra sa mga kasagutang espiritwal. Sa halip na kanyang bungkalin ang isyung pinakaugat ng suliranin ng kahirapan na kanya na ring hinaharap, nagkaroon ng romantikong pananaw si Navarra sa nayon bilang pook na ligtas sa kasamaan at katiwalian. Sa kanyang mga akdang huling tinalakay, sa nayon matatagpuan ang kasiyahang dulot ng paghihirap na dating sinisikap iwaksi ng mga tauhan. Nakapanlulumong isipin na matapos makita ang mapagsamantalang kalagayan ng nayon na kanyang inilarawan sa kanyang mga akda, saka pa huminto si Navarra sa paggamit ng realismo. Sa halip,ang nangibabaw sa kanyang buhay na kung tutuusi’y lalo lamang nakapagpapanatili ng kahirapan ng mga mamamayan.

Pagkatapos ng “Si Zosimo” noong 1955, huminto na sa pagsusulat si Navarra. Gayumpaman, naging aktibo rin siya sa iba pang gawaing pampanitikan. Noong 1956, tumulong siya sa pagtatayo ng LUDABI (Lubas sa Dagang Bisaya, na ang ibig sabihin ay ang pinakapuso ng kahoy ng panulat sa Bisaya), ang pinakamalaking pangkat ng mga manunulat sa Sebuwano sa kasalukuyan. Siya ang nagbinyag sa organisasyon at nanungkulan bilang isa sa mga pinuno nito. Bumalik siya sa paglalathala noong 1963 bilang punong editor ng Bag-ong Suga' at noong 1967 bilang punong editor ng Bisaya. Bagama’t may ilang mga kuwentong nalathala si Navarra sa panahong ito, ang mga ito’y sinulat lamang bilang pandagdag sa magasing kanyang pinamamahalaan kung kapos ito sa materyal.

Nagretiro si Navarra noong Disyembre 1973 at angbalik sa tigang na nayon na Tuyom. Doon siya namuhay hanggang sa kanyang huling mga araw sa paraang hiwalay sa mga material na bagay tulad ng matagal na niyang pinapangarap para sa kanyang sarili.




Maceda, Teresita G. Marcel L. M. Navarra: Mga Piling Kuwentong Sebuwano. Quezon City, University of the Philippines-Diliman Press, 1986.




Buod ng mga Kwento[1]Edit

Ang Anghel sa Impiyerno (Ang Manulunda sa Sulad)Edit

Si Sonia ang pinakamagandang mananayaw ng Phoenix Kabaret kaya’t maraming mga kalalakihan ang pabalik-balik sa kabaret dahil sa matinding pagnanasa sa kanya. Maraming mga kalalakihan ang napupukaw sa kanyang pagsasayaw sapagkat ginigising nito ang kanilang mga hayok na pagnanasa. Marami ang nagnanasang yakapin ang kanyang balingkinitang katawan at hindi nila naiisip na hahantong lamang ang lahat sa pagnipis ng pera sa kanilang mga pitaka. At siguradong lihim na humahalakhak ang isang mananayaw na tulad ni Sonia. Tulad ng ibang kalalakihan ay sobra ring nahumaling si Rocelo kay Sonia at nagnanais ding maangkin ang kanyang katawan. Tulad ng inaasahan ay nakuha nga niya ito at siya ay nasiyahan. Tinanong niya si Sonia sa huli kung bakit siya napasok sa ganoong trabaho ngunit laking gulat niya na siya pala ang sanhi ng pagpasok ni Sonia sa kasuklam-suklam na propesyon. Sapagkat iniwan niya si Sonia na nagdadalang-tao nang sila’y nasa kanilang kabataan.


At Ako'y Inanod (Ug Gianod Ako)[2]EditEdit

Ang kwento ay umikot sa liham ng isang lalaking humihingi ng pang-unawa sa kanyang kaibigan na ibinibigay naman sa kanya noon. Ang nagsasalita ay mayroong kahinaan sa babae at madali siyang maakit ng mga babae. Tinutulungan naman siya ng kanyang kaibigan upang makaiwas siya sa mga ito ngunit hindi talaga niya mapigilan ang sarili. Nagingmatalik silang magkaibigan noong magkaklase sila noong 1929 sa unang taon nila sa High School. “kid” ang tawagan nila sa isa’t-isa. Malaki ang kanilang pagkakaiba ang kanyang kaibigan ay takot sa mga babae at hindi nakikipag-usap. Madalas sa bahay ng kanyang kaibigan ang nagsasalita at isang araw habang binabasa nito ang artikulo ni Villa ay nakita niya ang kapatid nito na si Pepita. Mayroon itong lihim na pagtingin sa kanya kaya’t isang umaga ay tuluyan na ngang nahulog ang nagsasalita sa mga kamay ni Pepita dulot ng pang-aakit nito sa kanya.


Si Manang Merin at Ang Turumpo (Si Manang Merin ug ang Kasing)[3]EditEdit

Isang araw habang naglalaro ng turumpo ang magkaibang sina Bay Tik at Bay Nyoy(Arsenio) ay biglang may dumating na lalaki na nagngangalang Abi na hinahanap si Manang Merin na kapatid naman ni Bay Tik. Wala ang kanilang mga magulang kaya’t nagkaroon ng pagkakataon si Abi na makausap si Manang Merin na kanyang kasintahan. Pinipilit ni Abi si Manang Merin na pagbigyan siya sa hinihiling nito na mkuha ang puri nito. Ang dalawang magkaibigan ay nakaramdam ng pagkagutom kaya’t nagpasyang maglamaw ngunit habang naghahanap ng lalagyanan ng asukal si Bay Tik ay narinig niya ang pinag-uusapan nina Marang Merin at ng bisita nito, kaya’t sinilip niya ang mga ito sa bintana ngunit hindi niya malamang kung ano ang hinihiling ng bisita nito sa kanya. Nang mainip si Arsenio ay tinawag niya si Bay Tik at tinitignan ni Arsenio sa butaas kung ano ang nagyayari sa loob. Nakita ni Arsenio na umiiyak ang ate ni Bay Tik kaya’t noong lumabas sa pintuan si Abi ay tinanong niya kung bakit umiiyak si Manang Merin ngunit sumagot siya na dahil namatay ang kaibigan nitong nasa lungsod. Si Manang Merin ay nagsinungaling kay Bay Tik.


Mga TauhanEdit

Ang Anghel sa Impiyerno (Ang Manulunda sa Sulad)Edit

Sonia- Ang babaeng kinahuhumalingan ng mga kalalakihan dahil sa nakakapukaw nitong pagsayaw sa kabaret.

Rocelo- Ang naging dahilan ng pagpasok ni Sonia sa isang kasuklam-suklam na propesyon dahil sa pag-iwan nito noong nagdadalang-tao si Sonia.


At Ako'y Inanod (Ug Gianod Ako)Edit

Ang nagsasalita/ sumusulat ng Liham( na tinatawag na Kid ng kaibigan nito)- Ang taong hindi kayang lumayo sa mga kababaihan kahit pinagsasabihan at tinutulungan siya ng kaibigan na umiwas at madala sa mga ito.

Ang sinusulatan ng bida- Ang matalik na kaibigan ng nagsasalita sa kwento na kapatid ni Pepita. Siya ang kabaligtaran ng nagsasalita sapagkat napipigilan nito ang sarili na huwag lumapit at makipagusap sa mga dalaga.

Pepita- Ang nakakabatang kapatid ng kaibigan ng sumusulat ng liham na mayroong pagtingin sa kanya.


Si Manang Merin at Ang TurumpoEdit

Bay Tik- Ang nakakabatang kapatid ni Manang Merin na mahilig maglaro ng turumpo.

Bay Nyoy/ Arsenio- Kaibigan ni Bay Tik na nakikipagpaligsahan sa paglalaro ng turumpo.

Manang Merin- Ang ate ni Bay Tik na pinipilit ng kasintahan na gawin ang hinihiling nito.

Abi- Ang pinapunta ni Merin sa kanilang bahay upang makapag-usap dahil sa tagal nilang di nagkikita at pumipilit sa kanya na gawin ang hinihiling kung mahal siya nito.


Mga TemaEdit

Ang Anghel sa Impiyerno ( Ang Manulunda sa Sulad)Edit

Ang tema ng kuwentong "Ang Anghel sa Impiyerno" ay tungkol sa pagkukunwari ng mga lalaki tulad ni Rocelo. Dagdag pa ang maling pagtingin o pananaw tungkol sa mga kababaihang mananayaw sa kabaret tulad ni Sonia, bilang mga babaeng nagsasamantala sa makamundong pagnanasa ng kalalakihan. Inilarawan din ang libog at kahayukan ng mga suki sa kabaret na pumipila upang makasayaw ang mga babaeng magaganda. Ngunit sa kabila ng mababang pagtingin sa mga mananayaw sa kabaret ay ninanasa parin sila ng mga kalalakihan. May paglalantad din ng bulok na moralidad ng karakter na si Rocelo.


At Ako'y Inano (Ug Gianod Ako)Edit

Ang tema naman ng kuwentong "At Ako’y Inanod" ay tungkol sa kahinaan ng mga kalalakihan sa mga babae. Ang mga lalaki ay hindi nabubuhay ng walang babae at kahit anong gawin nilang iwas ay hindi nila mapigilan ang kanilang mga sarili. Binanggit din sa kuwento na ang mga kababaihan ay maituturing na sagabal sa lahat ng bagay. Nagiging sanhi ng tukso at walang naidudulot na maganda sa buhay ng lalaki sapagkat sila ang nagiging dahilan ng pagkasira ng buhay at pagkakaibigan. Mayroong pagpapahalaga sa pagkakaroon ng kaibigan at pagbibigay ng pang-unawa. Ang kaibigan ay walang nais na lalong mapasama ang kanilang mga kaibigang naliliko ng landas at bukal sa kalooban ang pagtulong nito.


Si Manang Merin at Ang Turumpo( Si Manang Merin ug ang Kasing)Edit

Ang tema ng huling kuwento na “ Si Manang Merin at ang Turumpo” ay ang paggamit sa kahinaan ng babae upang makuha ng isang lalaki ang puri nito. Ginamit ng lalaki ang pag-ibig upang makuha lamang niya ang kanyang kagustuhan. At dahil sa pag-ibig ay ibinigay ng babae ang ninanais ng lalaki. Umiyak si Merin dulot ng pagkawala ng kanyang puri dahil sa pagmamahal niya kay Abi. Ipinapakita sa kwento kung paano naapi ang babae sa pamamagitan ng panggigipit ng mga kalalakihan sa mga ito. Isa rin ay ang pagpapahalaga sa mga bagay na importante sa pamumuhay ng mga tao dahil sa kahirapana sapagkat ang dalawang bata ay kumuha ng niyog kahit na ito ay pinagbabawal sapagkat gagawin itong kopra. Hindi dapat nag-aaksaya ng mga bagay-bagay para sa pansariling interest. Mahalaga rin ang gabay o pagbabantay ng mga magulang sa kanilang mga anak upang hindi ito napapahamak at nababantayan ang mga kilos nito kung may mali bang ginagawa at maaari nilang itama.




Wikia ni Jb Coronel

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.