FANDOM


BiographyEdit

Si Nonon Carandang ay nagsimula magsulat nung unang taon niya sa kolehiyo. Napili siya ng Bienvenido N. Santos Creative Writing Center para tumanggap ng fellowship, at dahil dun sunod sunod na ang kanyang mga proyekto. Nagpunta siya ng Europa para ilunsad ang kanyang aklat na pinamagatang Angkan ni Eba. Nagturo siya sa University of the East at University of Santo Tomas. Kasalukuyang abala siya sa pagtuturo at panananliksik sa panitikan, wika, kultura sa De La Salle University-Manila.


Mga BuodEdit

Rapael, EskultorEdit

Nagsimula ang kwento sa isang batang eskultor, na nagngangalang Rapael, na umuukit ng mga lalaking walang saplot. Ngunit hindi sang-ayon ang kanyang Lolo Temyong sa mga malalaswang at hindi rehiliyosong imahen na ginagawa ng kanyang apo, kaya niya ipinagbabawal kay Rapael ang paglililok ng mga hubad na statwa. Isang gabi, nanaginip si Rapael na napapaplibutan siya ng kanyang mga likha; mga likha na may perpektong kurba, at malalaking ari na nagsisilbing bilang kanilang kapangyarihan at dignidad. Sabik na sabik at tuwang tuwa si Rapael sa mga napapaginipan niya, nararamdaman niya na siya ang diyos ng kanyang panaginip sa tulong ng mga lalaking walang saplot na naka-ukit sa kahoy. Kahit inutos na ng kanyang Lolo na itapon na ang kanyang mga likha, tinago lang niya ito sa ilalim ng hagdanan at patuloy ang mga panaginip. Pero ang hindi alam ni Rapael, unti-unti siyang nalulunod sa sakim at kadiliman ng mga statwa hanggang sa gabi na inutusan siyang patayin si Lolo Temyong. Tuluyan na siyang kinokontrol ng kanyang mga likha at isang gabi pumasok siya sa kwarto ng kanyang naghihimbing Lolo, hawak ang matalim na paet tinangka niya tusukin ito sa dibdib ng matanda. Nung malapit na ang paet sa matanda, biglang natauhan si Rapael at napagtanto niya na hindi siya ang diyos sa kanyang likha kundi isang alipin lamang at pinatay niya ang kanyang sarili.



SalbaheEdit

Si Noel ay kilala bilang isang mapanukso at matinik na lalaki. Marami na siyang naloko na babae para matustos ang araw araw na pangangailangan. Isang araw Nagkaroon sila ng pustahan ng barkada niya na kung mapa-ibig niya si Lorena Ablaza o mas kilala bilang Ma’am sa kanila, siya na talaga ang pinakamatinik na lalaki sa balat ng lupa. Nakipagkaibigan si Noel kay Ma’am at tinanggap nito ng lubusan; binigyan pa niya ng trabaho yung binata na mag-alaga ng masukal na hardin. Sa tagal ng kanilang pagsasama tila napagtanto ni Noel na iba si Lorena sa mga babae na nakilala niya at tuluyan na siya napamahal dito. Malakas ang pagpatak ng ulan nun nung nagkaroon ng lakas na loob si Noel umamin kay Lorena, subalit hindi kaya masagot ni Lorena ang kanyang pag-ibig dahil tulad ni Noel, lalaki rin si Ma’am. Nagpakamatay si Noel sa dagat na alam na ang dating kilala niyang Ma’am ay isang Sir talaga.



PulserasEdit

Si Luis, ang ating bida ay lumiwas ng Maynila upang magkaroon ng masmagandang buhay kay sa probinsya, ngunit siya ay nabigo at naiwang gutom at walang pera sa iskinita ng Recto. Dun niya nakilala si Dante, and gwardiya ng sinehan sa Maynila. Pinakain at pinatira niya si Luis sa kanyang tirahan at tinulungan makabangon sa buhay. Si Dante ay lagging nakasuot ng isang pulseras sa kamay na tila hindi bagay sa kanyang pagkatao, napakapambabae kasi ng pulseras; dito nakilala ng mabuti ni Luis si Dante, ang may ari talaga ng pulseras ni Dante ang kanyang dating asawa na si Ester na iniwan siya dahil hindi niya maibigay ang luho na hinihiling nito. Habang tumatagal ang pagsasama ng dalawa lumapit na ang loob ni Luis kay Dante at unti unti na to napamahal sa kanya kahit alam niyang mali ito, pero hindi na niya pinigilan ang kanyang sarili dahil ito na ang kanyang tunay na pagkatao at maliwanag na sa kanya na mahalaga sa kanyang buhay si Dante. Nung nabalitaan na niya na namatay na ang kanyang ama sa probinsya balak niyang umuwi at isama si Dante para ipakilala sa nag-iisang ina. Pero bago man mangyari ang kanyang magandang plano, pinatay si Dante sa isang kaguluhan sa sinehan at muling iniwan si Luis na mag-isa suot ang pulseras ng kanyang pinakamamahal na kaibigan.



Mga TauhanEdit

Rapael, EskultorEdit

Rapael

Isang batang eskultor na umuukit ng mga hubad na lalaki dahil sa kagustuhan na maiba sa angkan ng mga eskultor ng kanyang Lolo. Takot siya sa kanyang Lolo Temyong pero may parte sa kanyang puso ang madilim at rebeldeng katauhan.

Lolo Temyong

Lolo ni Rapael na magaling rin na eskultor, kaso strikto siya sa kanyang apo na dapat lang umukit ng mga relihyosong imahen at hindi yung mga walang kakwenta kwentang statwa.



SalbaheEdit

Noel

Siya ay kilala bilang isang salbahe, dahil sa kanyang pagloloko sa mga babae para makuha ang gusto niya.

Lorena/Ma’am

Siya ay mabait at rehiliyosong tao, pero sa ilalim ng kanyang mga mahinhing ngiti at kilos siya pala ay isang lalaki.



PulserasEdit

Luis

Isang lalaking may malalaking pangarap para sa sarili, ngunit malungkot dahil nag-iisa.

Dante

Isang masiglang gwardiya sa sinehan ng Maynila. Lagi niyang tinutulungan si Luis at simple lang siya mamuhay.

Ester

Dating asawa ni Dante, mahilig sa luho at tulad ni Luis, malaki ang pangarap sa sarili.



Mga TemaEdit

Rapael, EskultorEdit

Liberal vs. Konserbatibo

Dito naglalaban sa ideya at konsepto ni Rapael at Lolo Temyong sa pagpili ng imahen sa gagawing nilang statwa.

Lalaki bilang makapangyarihan

Dito pinakita ang perpektong lalaki, matipuno malaki ang ari, makapangyarihan.

Tao vs. Sarili

Dito akala natin na kalaban ni Rapael ang kanyang Lolo pero sa totoo kalaban talaga niya ang kanyang sarili.



SalbaheEdit

Pag-ibig/Romansa

Makikita sa pagbabago ni Noel dahil napamahal na siya kay Lorena.

Trahedya

Dahil sa pagbunyag ni Lorena na siya pala ay isang lalaki nakapagmatay si Noel na bigo sa pag-ibig.

Pansekwalidad

Napamahal si Noel kay Lorena dahil sa ugali nito at hindi dahil sa naakit siya sa pagkabababe nito.



PulserasEdit

Homosekswal

Ang pagkakaroon ng pagtitinginan ni Dante at Luis.

Romansa/Pag-ibig sa kapwa

Napamahal na kay Luis si Dante dahil sa kabaitan nito sa kanya.

Pagtulong sa kapwa

Tinulungan ni Dante si Luis makabangon sa buhay.Trahedya-Namatay si Dante sa huli at iniwan mag-isa muli si Luis.



Wikia ni Bernice Castaneda

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.